Tutol ang iba’t ibang grupo ng mga nurse sa mungkahi ni Health Secretary Ted Herbosa na bigyan ng temporary license ang mga nursing graduates na nakakuha ng 70-74% na score sa kanilang board exam.

Iginiit ni Philippine Nurses Association (PNA) president Melvin Miranda na walang kasiguraduhan na nagtataglay ng mataas na antas ng kaalaman ang mga graduates na mabibigyan ng temporary license kaya’t nararapat na gawing prayoridad pa rin ang mga professional nurse.
Samantala, inihayag naman ni Filipino Nurses United (FNU) secretary general Jocelyn Andamo, na mas mabuti kung pagtuunan na lang ng pansin ng DOH ang pagbibigay ng trabaho sa nasa 120,000 registered nurse sa bansa.
Dapat din aniyang masolusyunan ng DOH ang problema hinggil sa sweldo at benepisyo na natatanggap ng mga ito upang mapigilan silang magtrabaho sa ibang bansa. // AC