Paghahanap sa submarine na bibisita sa lumubog na Titanic, nagpapatuloy

Isinasagawa na ng mga awtoridad ang paghahanap sa isang tourist submarine na misteryosong nawala sa ilalim kung saan lumubog ang ang Titanic sa southeastern Canada.

Ang kumpanyang Ocean Gatte Expedition ang operator nito.

Maayos ang unang 4 na expedition ng submarine na tinatawag na Titan pero sa ikalima nitong mission, bigla raw itong nawala sa dagat.

Ayon sa Polar Prince ang vessel na nakikipag communicate sa Titan, nawalan sila ng contact makalipas ang 2 oras.

Lima ang sakay ng nawawalang submarine, 1 piloto at 4 na pasahero. Kabilang diyan ang British billionaire na si Hamish Harding.

Nag deploy na ng mga barko at eroplano sa lugar ang gobyerno ng Amerika at Canada. // AC