COC ng mga tatakbo sa local position sa bawat munisipalidad sa Isabela, nakatakdang matanggap ng COMELEC Isabela ngayong araw

Nakatakdang matanggap ngayong araw ng Commission on Election Isabela ang lahat ng Certificate of Candidacy ng mga tatakbo sa local position sa bawat siyudad at munisipalidad sa lalawigan.

Ito ang kinumpirma ni COMELEC Isabela Election Supervisor Atty. Manuel Castillo Jr. sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan.

Aniya, isa-isang susuriin ng kanilang tanggapan ang mga COC kung kumpleto at pagkatapos ay personal itong idadala sa law department sa Metro Manila sa susunod na linggo.

Read More:  5-year-old boy dies after falling into pit in Davao City

Ilan umano sa susuriin ay ang authorized signature ng nagbigay ng Certificate of Nomination and Acceptance (CONA) at kung may defect ang ilan dito.

Ayon pa kay Atty. Castillo, maaring mailabas na sa November 8, 2021 ang tentative list ng mga kakandito sa local position sa darating na 2022 Local and National Election.

Read More:  2 killed, 1 hurt in Tagum City pedicab shooting

Samantala, inihayag din niya na payapa at kontrolado ng COMELEC Isabela ang naganap na filing ng COC mula October 1-8 2021.

Dagdag pa ni Atty. Castillo, pagsapit ng pangangampanya ay maaaring mabago ang campaign guidelines ng COMELEC dahil hindi pa umano ligtas ang house to house campaign dulot ng nararanasang COVID-19 Pandemic.