Ben&Ben, magpe-perform sa Dubai sa harap ng live audience

Nakatakdang magperform ang Pinoy indie pop band na Ben&Ben sa Middle East sa January 27, sa harap ng live audience.

Ayon sa grupo, lilipad sila papuntang United Arab Emirates para sa Expo 2020 Dubai sa Jubilee Stage.

Excited rin na ibinahagi ng Ben&Ben na pinapayagan na ang live audience para sa naurang event, na una nang nasuspende ng halos dalawang taon dahil sa nagpapatuloy na COVID-19 pandemic.

Inaasahan rin na tutugtugin ng banda ang kanilang latest song na “Comets” sa kauna-unahang pagkakayon.

Matatandaa na noong Disyembre, labis na ikinatuwa ng Ben&Ben matapos hirangin bilang most streamed Filipino artist sa music streaming platform Spotify dahil sa kanilang one billion streams.