Naglabas ang Rolling Stone magazine ng kanilang annual list ng mga highest paid artists sa nakalipas na 12 buwan.
Ito ay sa kanila na maraming mga concerts at festivals ang patuloy na nakakansela sa loob na ng dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic.
Sa kabila nito, marami pang musicians ay nalalampasan ang hamon.
Kaugnay nito, si Bruce Springsteen ang nanguna sa listahan na may revenues na $590 million.
Sinundan naman ito nina Jay-Z at Paul Simon na may estimated earnings na $470 million at $260 million para sa taong 2021.
Nabatid na ang mga ito at iba pang kasama sa listahan ay nagbenta ng kanilang rights para sa lahat, o bahagi ng kanilang music catalog noong nakaraang taon.