Bello sa NBI: Probe FB account na nanghihingi ng pondo para sa kanyang ‘Senate bid’

Hiniling ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III sa National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan ang pekeng Facebook (FB) account na ginagamit sa pag-solicit ng mga donasyon para sa community pantry at para sa kanyang plano umano na pagtakbo sa Senado

Read More:  Sen. Gatchalian says he is ready if chosen as SP

Ang pekeng FB account na nakapukaw sa atensyon ni Bello ay nagpost ng detalye ng bank account ng isang tao at cellphone number na hindi niya pagmamay-ari.

Ayon kay Bello, kapuna-puna na may ilang tao na gumagawa ng naturang despicable scheme para sirain ang kanyang pangalan, para sa advantage ng ibang tao.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Ang “Silvestre Bello III” FB account ay umani ng unsuspecting officials at kaibigan ng Labor secretary, dahil nagtala ito ng 1,200 friends.

Giit ng DOLE, si Bello ay gumagamit ng kanyang official Facebook account simula noong 2010. // MHEL PACIA