Ipinauubaya na lamang ng kampo ni presumptive president-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., kay Vice-President Leni Robredo kung magko-concede na ito sa gitna nang halos 15M votes na lamang sa partial-unofficial count ng Comelec transparency server.
Ayon kay Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos Jr., ang pagko-concede umano ay kusang ibinibigay ng isang tao at hindi ito pwedeng pilit.

Wala naman umanong problema ayon kay Rodriguez kung magko-concede man o hindi si VP Leni dahil nandiyan naman ang mga numero na resulta ng halalan kung saan 31 milyonng Pilipino ang nagpahayag ng kanilang saloobin kung sino ang gusto nilang maging pinuno ng bansa.
Nanawagan naman si Rodriguez sa mga taga-suporta ng bise-presidente na huwag nang ipilit ang kanilang pansariling agenda at tanggapin ang desisyun ng taumbayan.
Nagpahayag naman ng kahandaan ang kampo ni BBM na makipag-usap kay VP Leni at sa iba pang mga tao na may ibang presidential belief noong halalan.