CAMARINES NORTE- Zero active case na sa COVID-19 ang bayan ng Vinzons, Camarines norte sa pinakahuling report ng Municipal Health office as of December 02, 2021,
Ang bayan ng Vinzons ay nakapagtala ng kabuuang bilang na 254 confirmed cases simula ng maranasan ang pandemya sa lalawigan
Mula sa naturang bilang 234 ang mga pasyenteng tuluyan ng gumaling sa sakit at 20 ang naitalang nawalan ng buhay
Ang bayan ng Vinzons ay may 19 na barangay kung saan ang may pinakamaraming naitalang kaso ay ang Brgy Calanagkawan Norte na may 40, sinundan ito ng Poblacion II na may 37, Calangkawan sur na may 29 habang may tig 28 kasong naitala ang Poblacion III at Sto Domingo
