Bayan ng Daet matagumpay na naabot ang kanilang target population na mabakunahan sa isinagawang Bayanihan Bakunahan

CAMARINES NORTE- Matagumpay na naisagawa sa bayan ng Daet ang tatlong araw na National COVID-19 Vaccination Days kung saan nakamit at nalampasan pa nito ang kanilang target population na mabakunaha simula noong November 29, 2021 hanggang December 01, 2021

Ang LGU ay nagtalaga ng  tatlong vaccination sites , ito ay ang SM City Daet, Central Plaza Mall at Cobangbang Elementary School kung saan dinagsa ito ng mga nais magpabakuna ng may mga edad 18 pataas at kabataang may edad 12 hanggang 17 taong gulang

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Ang bayan ng Daet ay nakapagbakuna ng 10,494 o 131.01% mula sa target nitong 8,010

Nakikita ng LGU na ito ay dahil sa positibong pagtugon ng mga Daeteño sa kanilang panawagan na pataasin pa ang bilang ng bakunado sa bayan ng Daet..

Layunin ng National COVID-19 Vaccination Days na may temang “Bayanihan Bakunahan, Ligtas.Lakas.Buong Pinas” na makapagbakuna ng mas maraming Pilipinong may edad 18 pataas at kabataang may edad 12 hanggang 17 taong gulang bilang kontribusyon sa proteksyon ng bawat pamilyang Pilipino mula sa COVID-19 at mga variants nito.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Nagpapasalamat din ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Daet sa lahat ng mga nakipagkaisa at nagtiyagang pumila upang mabakunahan.

Gayundin sa lahat ng mga ahensiya at sektor na naging katuwang nito sa pagsasagawa ng Bayanihan Bakunahan.