Bayan ng Vinzons bumaba na sa 9 ang aktibong kaso ng COVID-19

CAMARINES NORTE- Bumaba na lamang sa 9 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Vinzons sa report ng Municipal Health Office na may petsang October 27, 2021.

Mula sa 8 barangay na may naitalang kaso ng COVID-19 nitong nakalipas na linggo ay 4 na lamang dito ang may mga aktibong kaso na kinabibilangan ng Calangkawan Norte at Poblacion III na may tig-tatlo pang aktibong kaso, dalawang kaso ang Calangkawan Sur at isa sa Guinacutan

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Dahil dito ay tumaas na sa 220 ang bilang ng mga pasyenteng gumaling sa sakit at habang nananatili poa rin sa  20 ang naitalang nawalan ng buhay mula sa 249 total cases na naitala sa bayan ng Vinzons 

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Samantala, sa kanilang ulat kaugnay COVID-19 Case Facility , as October 18, 2021 ay kasalukuyang may isang nakaadmit habang 3 ang nasa Municipal Isolation Unit (MIU) , 1 ang nasa Barangay Isolation Unit (BIU) at 4 na lamang ang nag-home isolation