Bayan ng Daet patuloy ang paglobo ng naitatalang kaso ng COVID-19; aktibong kaso sumampa na sa 264

CAMARINES NORTE- Patuloy ang paglobo ng mga naitatalang kaso ng COVID-19 sa bayan ng Daet kung saan umabot na sa 264 na aktibong kaso ang naitala

Sa ipinalabas na report ng Daet emergency operations Center sa pamamagitan ng datus mula sa Daet IMT, na may petsang January 17, 2022 sumipa na sa 1,192 ang total cases ng COVID-19 sa naturang bayan

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

129 dito ang nagpositibo sa RT-PCR test habang ang 135 dito ay nagpositibo naman sa Rapid antigen test

Sa kasalukuyan ay mayroong 516 pang indibidwal ang under monitoring ng Daet IMT

Inaasahan naman na sa paglilimita sa galaw ng mga hindi pa bakunadong indibidwal ay maaaring mapigilan o mabawasan ang biglang paglobo ng kaso ng mga tinatamaan ng virus

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Una ng nagpahayag ang DOH Bicol Regional Epidemiologist Dr. Aurora Teresa Daluro sa isinagawang  virtual Press Conference kamakailan na ang pinaluwag na restriction sa ilalim ng Alert Level 2 ang naging dahilan ng paglobo ng mga kaso ng COVID- 19.

Kayat patuloy na paalala nito sa publiko na mahigpit na sundin ang minimum health standard protocol