Tulak ng iligal na droga timbog sa buy bust operation ng Paracale Police

CAMARINES NORTE- Timbog ang isang tulak umano ng iligal na droga sa buy bust operation linggo ng hatinggabi sa Purok 7A, Brgy Bagumbayan, Paracale, Camarines Norte.

Kinilala ang suspek na si Rolly Zulueta, 31 anyos, binata, walang trabaho at residente ng Purok Mapayapa, Brgy. Palanas sa naturang bayan

Batay sa ulat ng Paracale Police, nakuha sa nasabing operasyon ang isang maliit na piraso ng selyadong plastik na pakete ng hinihinalang shabu na siyang buy bust item.

Read More:  Massive Davao City fire leaves 200 families homeless

Sa body search ay nakuha rin sa suspek ang tatlo pang maliit na piraso ng selyadong plastik na pakete ng hinihinalang shabu at buy bust money.

Ang nakumpiskang iligal na droga ay tinatayang umaabot sa humigit kumulang 0.3 gramo na may halagang Php 2,000.00.

Read More:  Mayon unrest pushes Albay farm damage beyond P6.6 million

Sinampahan ng kasong paglabag sa comprehensive dangerous drugs act of 2002 ang suspek sa pamamagitan ng inquest proceedings.

Ayon kay Camarines Norte PNP Provincial Director PCOL Julius Guadamor makakaasa ang publiko na unti- unti ay lilinisin ang bawat bayan sa lalawigan laban sa pagkalat ng iligal na droga.