Hidilyn Diaz, ipinaliwanag ang mensahe na nais niyang iparating sa pamamagitan ng kaniyang damit

Ipinaliwanag ng Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz ang mensahe na gusto niyang iparating sa lahat matapos kumalat ang kaniyang litrato sa social media kung saan ay makikita na suot-suot niya ang isang gray t-shirt na may Chinese characters.

Ayon kay Diaz, na miyembro ng Philippine Air Force, na ang gusto niyang iparating sa lahat na pag-aari ng Pilipinas ang West Philippine Sea.

Read More:  Teodoro on reported China ban: ‘I have no plans to go there’

Ipinunto ni Diaz na alam niya sa kaniyang puso na ito ang tama, ngunit sinabi niya na ayaw niyang makialam sa international affairs na may kinalaman sa agawan ng maraming bansa sa naturang bahagi ng karagatan.

Mababatid na ang West Philippine Sea ay bahagi ng exclusive economic zone (EEZ) ng bansa sa South China Sea kung saan ay bukod sa Pilipinas at China ay may overlapping claims rin ang Brunei, Taiwan, Vietnam, at Malaysia.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Kung maalala ay na-invalidate ang nine-dash claim ng China sa halos buong South China Sea  sa pamamagitan ng ruling ng UN arbitral court.

Gayunman, tumanggi ang China na kilalanin ang nasabing desisyon na napanalunan ng Pilipinas at sa halip ay nagpatuloy lamang ang Beijing sa pagpapalawak ng presensya nito sa karagatan sa pamamagitan ng pagpapatayo ng artificial islands at militarisasyon.