Bayan Muna sa DICT, NTC: Probe emergency alerts campaigning BBM

Hinimok nina Bayan Muna party-list Representative Carlos Zarate at chairman Neri Colmenares ang National Telecommunications Commission (NTC) at ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na imbestigahan ang emergency alerts na tila nangangampanya para kay dating senator Ferdinand Marcos Jr.

Mababatid na sa paghahain ni Marcos ng kanyang certificate of candidacy pagkapangulo para sa 2022 elections, nakatanggap ang ilang cellphone users sa Harbor Garden Tent sa Sofitel Philippine Plaza Manila sa Pasay City, ng emergency alert na may lamang mensahe pumapabor sa kanya.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Ayon kay Zarate, ito ay nagbibigay ng seryosong duda sa integridad ng system, na siyang inaasahang mga mga tao para sa life-saving information.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Giit ng mambabatas, maliban sa NTC at DICT, dapat rin umanong imbestigahan ng Kongreso ang naturang uri ng pangangampanya.

Para naman kay Colmenares, na kung talagang hi-nijacked ng kampo ni Marcos ang airwaves para mangampanya, ay kailangang matigil ang kanilang pagiging disperado na makabalik sa Malacañang ‘by hook or by crook’. //MHEL PACIA-TRINIDAD