Tatanghaling Mutya ng Pili Festival 2022, tatanggap ng 250K bilang premyo

SORSOGON CITY – Tumataginting na P250K ang tatanggapin bilang premyo ng tatanghaling Mutya ng Pili Festival 2022.

Sa inilabas na anunsyo ng City Government sa pamamagitan ng City Tourism Office, nakasaad dito ang hinggil sa aktibidad na gaganapin sa Sorsogon Provincial Gymnasium sa June 28 bilang bahagi ng selebrasyon ng fiesta sa lungsod.

Read More:  Fire hits PC Compound in Zamboanga City; Air Force helicopter joins response

Bukod sa dapat ang kalahok ay isang Filipino citizen, dapat din na siya ay edad 17 hanggang 24 na taong gulang at Bicolana ‘by birth or by blood.’

Samantala, tatanggap naman ng P150K ang mapipili bilang Mutya ng Pili Festival Tourism 2022, P100K sa 1st Runner Up, P75K para sa 2nd Runner Up at P50K para sa 3rd Runner Up.

Read More:  Once tagged among Negros’ poorest, Ilog bets on homegrown doctors, lawyers

Una rito, ang screening para sa nasabing kompetisyon ay gaganapin sa Hunyo 2, sa 4rth Floor Pacific Mall Convention Center sa Legazpi City.