QC LGU, nangakong ire-review ang hiling ng mga raliyista na makapag-kilos protesta pa rin

Tiniyak ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na aaralin nitong maigi ang kahilingan ng Bayan na magkaron ng reconsideration matpaos i-deny ng Quezon City DPOS ang permit to rally nito sa kahabaan ng Batasan Road.

Sa isang pahayag, sinabi ng alkalde na ire-review nito ang mga counter-points na ipinresenta ng grupo.

Sisilipin din umano nila kung mayroon ang ilang mga lugar na puwedeng pagkasunduan ng QC LGU at ng mga raliyista.

Sa kabila nito, nanindigan si Bayan Secretary General Renato Reyes na tuoy pa rin ang kanilang kilos-protesta may permit man o wala.

Nanindigan si Reyes na wala namandaw itinatakda sa batas na ‘no rally zone’ sa mga public spaces.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Muli rin nitong pinanindigan na hindi basihan ang trapik para i-deny ang kanilang permit.

Dahil dito, isinumite nito ang kanilang apela sa QC LGU para magkaroon ng reconsideration.

Philippine National Police, mapipilitan umanong i-disperese ang mga raliyista sa kaling magpumilit na magmartsa sa kahabaan ng Commonweath Avenue

Nilinaw ng Philippine National Police na handa pa rin silang makapag-dayalogo sa mga grupo at representante ng mga progresibong grupo para matiyak ang payapa nitong pagdaraos ng mga kilos protesta para sa unang State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos sa Lunes.

Una kasing di-neny ng Quezon City – Department of Public Order and Safety (DPOS) ang permit to rally ng Bayan sa Batasan Road dahil sa kadahilanang magdudulot umano ito ng mabigat na daloy ng trapiko sa Commonwealth Avenue.

Read More:  BI proposes P247 airport fee for security modernization

Ayon kay NCRPO spokesperson Col. Jean Fajardo, hanggat maaari ay nais nilang idaan sa maayos na usapan at pamamaraan ang pakikipag-dayalogo sa grupo ni Renato Reyes.

Nanindigan si Fajardo na hindi maaaring makapag-rally ang mga ito at papayagan lamang sila sa mga freedom parks kabilang na ang Quezon Memorial Garden, compound ng Commision on Human Rights, at sa UP.

Aniya, mapipilitan umano silang i-disperse ang mga raliyista sakaling magpumilit pa rin ang mga ito.

Sa ngayon, wala pa rin umano silang namo-monitor na kahit ano pa mang seryosong banta sa seguridad para sa SONA sa Lunes.
#