Batangas drivers, dismayado sa delayed fuel subsidy mula LTFRB

Nagpahayag ng pagkadismaya ang Batangas Confederation of Jeepney Drivers and Operators Association sa naantalang pamamahagi ng fuel subsidy nitong buwan ng Agosto.

Batay kasi sa naunang impormasyon mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB, Agosto nila ipamamahagi ang nasabing ayuda ngunit batay sa kanilang pinakahuling abiso, posibleng ngayong buwan ng Setyembre ito maipamimigay.

Ayon kay Romeo Macailao, ang president ng grupo, matagal na nilang inaasahan ang ayudang ito mula sa gobyerno ngunit bakit hanggang sa ngayon ay wala pa rin.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Wala naman aniya silang ideya kung kailan mismo ang eksaktong petsa sa pamamahagi ng fuel subsidy.

Sinabi ni Macailao na totoong malaking tulong ang nasabing ayuda para sa kanilang mga tsuper lalo na ngayong hindi maawat ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Read More:  Farmers’ daughter from Bukidnon tribe tops CPSU Batch 2026 graduates with 1.17 GWA

Ibinahagi naman ni Macailao na kahit ngayong pasukan na muli at maraming pasahero ay napakababa pa rin ng kita ng mga tsuper.

Sa huli, hiling ni Macailao sa gobyerno na sana naman daw ay bilis-bilisan nila ang kilos para kahit papaano ay maibsan na ang kanilang hirap na dinaranas sa taas presyo ng produktong petrolyo.