Batanes, naitala ang unang COVID community transmission

Nagpositibo sa COVID-19 ang apat na mga residente sa Basco, Batanes kahit walang travel history ang mga ito.

Ayon sa Batanes provincial government, ito ang pinakaunang community transmission sa northernmost island province magmula nang magsimula ang pandemic noong nakaraang taon.

Ang local transmission ng virus ay naitala habang nasa state of calamity ang lalawigan dulot ng pinsalang iniwan ng Bagyong Kiko noong nakaraang linggo.

Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Sa ngayon ay naka-isolate ang tatlong pasyente sa Batanes General Hospital habang ang isa naman ay naka-quarantine sa Department of Agriculture-Batanes Experiment Station.

Ayon sa local COVID-19 task force, ang apat na Avatan patients ang natatanging active COVID-19 cases ng lalawigan.

Read More:  Palace rebukes Pulong Duterte over criticism of Marcos administration

Umabot na sa 21 kaso ang naitala sa Batanes na may zero death magmula noong nakaraang taon.

Batay sa criteria ng World Health Organization, maituturing na community transmission kung ang pinanggalingan ng impeksyon ay hindi matukoy.