LEGAZPI CITY—Kinumpirma ng Municipal Health Office Camalig, Albay na dalawang household sa Purok 1 Barangay Cabañgan ang isinailalim sa granular lockdown dahil sa COVID-19.
Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Dr. Jennifer Lapus, inihayag nitong tanging ang Barangay Cabangan ang inilagay sa 14 araw na granular lockdown dahil sa mataas na kaso ng mga nagpositibo sa sakit na umabot sa anim.
Maliban dito, nakapagtala rin ng ilang kaso Barangay Palanog, Cotmon, Taplacon, Caguiba, Anoling at Quinartilan.
Dahil sa umiiral na lockdown, walang papayagang pumasok o lumabas sa mga apetkadong households.
Kung mayroon man umanong pangangailangan ang mga ito, maaari namang ipag-utos sa barangay official.
Tiniyak rin ng LGU na bibigyan rin ang mga ito ng ayuda sa tulong ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol at Barangay.
Sa ngayon ay aabot na sa 274 ang confirmed cases sa COVID-19 sa bayan kung saan 54 rito ang aktibo, 201 ang recoveries at 19 na ang nasawi.