Bata patay matapos mabundol ng sasakyan

Patay ang isang 6 na taong gulang na batang lalaki matapos na mabundol ng sasakyan ganap na 3:30 ng hapon nitong araw ng Linggo, ika-9 ng Enero 2022 sa Km. 43 National Highway, Bgy. Manalo sa Puerto Princesa.

Kinilala ng Police Station 1 ang bata sa pangalang Prince Earl Andrie Gupio Eleazar, nakatira sa Purok Nasidoc Bgy. Manalo sa lungsod.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Ayon sa Police report, isang puting Mitshubishi Strada na galing sa lungsod papuntang San Vicente Palawan ang aksidenteng nakabangga sa bata na minamaneho ni Gerald Uapal Amor 25 anyos matapos itong tumawid umano kalsada.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Matapos ang aksidente ay agad umanong huminto ang drayber at sumuko sa awtoridad.

Dahil sa tinamong pinsala sa katawan, Dead on arrival sa Ospital ang biktima.

Nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide ang suspek.