Integrated farm sa Cagayan, patok na pasyalan ngayon

Patok ngayon bilang bagong pasyalan ng mga turista at kabataan ang Caranguian Integrated Farm sa Baculod, Iguig, Cagayan dahil sa kakaibang mga tanawin na maaaring matunghayan dito.

Ang naturang farm ay pagmamay-ari ni Dr. Lorenzo Caranguian, dating Regional Executive Director ng DA RFO 2 at CAR.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Dahil accredited na ito ng ATI at TESDA ay bukas ang farm sa mga turistang nais mamasyal kung saan pangunahing dinarayo ang dito ang kanilang bamboo tunnel, rice farm, cassava, vegetable, fruit orchard, banana groves, corn area at mga man- made brooks and ponds.

Marami rin umanong mga kabataan ang nag-enroll para sa hands-on training sa farm.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Ayon kay Dr. Caranguian, maliban sa mga tanawin ay mayroon din silang mga alagang livestock, poultry at kalabaw.

Samantala, katulad niya ay hinikayat din nito ang publiko na tangkilikin ang urban gardening at agritecture kung saan ginawang kakaiba ang pagtatanim.

Photo/Cagayan Tuorism