Pamamahagi ng P5k cash assistance ng DSWD-Palawan para sa Odette victims, suspendido

Pansamantalang sinuspendi ang pamamahagi ng P5k cash assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) -Palawan sa mga barangay ng Puerto Princesa City simula sa ika -11 hanggang 14 ng buwan ng Enero, 2022.

Ito ang ipinaabot na impormasyon ni konsehal Elgin Damasco , sa kadahilanang hindi pa nadodownload ang pondo mula sa national dahil hindi na maaaring gamitin ang  nairelease nitong taong 2021  kaya hihintayin ang karagdagang cash assistance para sa 2022 fund.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Matatandaan , nakaschedule sana ang pay-out para January  11, 2022 ang  Bgy. Napsan , Bagong bayan at Bgy. Simpocan, January 12, 2022 ang Bgy. Kamuning at Bgy. Inagawan

Habang sa January 13 sana makakakuha ng cash assistance ang Bgy. Luzviminda at Inagawan Sub at January 14, 2022 ang Bgy. Bucana –Matahimik, Iwahig, Bgy. Montible, at Bgy. Mangingisda.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Samantala , tuloy naman ang pay-out ngayong araw January 10 , 2022 sa Bgy. Bacungan at Sta Cruz para sa mga totally at partially damaged na nasa listahan ng barangay na nasalanta ng bagyong Odette.