Basic first aid and basic life support training sa mga kabataan, isinagawa sa Ligao City

LEGAZPI CITY- Isinagawa ang apat na araw na Basic First Aid and Basic Life Support Training sa mga kabataan ng California Village sa Brgy. Tuburan Ligao City.

Ang pagsasanay ay nakatuon sa pagbibigay ng kaalaman sa mga Youth Volunteer ng nasabing lungsod kung paano sila tutugon sa anumang mga sitwasyong pang-emergency.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Layon nito na mabigyan ang bawat Youth Volunteer ng mahalagang kaalaman sa pangunahing pagsasanay para sa first aid, at mga kasanayan sa mga simpleng pamamaraan sa pagliligtas ng buhay.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Ang nasabing aktibidad, ay pinangasiwaan ng City Social Welfare and Development Office(CSWDO) sa pamumuno ni Ma’am Irene Barbero Racho at pakikipagtulungan ng Sangguniang Kabataan (SK), kasama ang tulong ng CDRRMO sa kanilang pagbabahagi ng kanilang kaalaman sa lahat ng mga kalahok.