Mahigit 1,000 indibidwal dumalo sa simultaneous fun bike ng PNP Bicol

LEGAZPI CITY- Dinaluhan ng aabot sa 1,170 indibidwal sa buong rehiyon mula sa iba’t-ibang sangay ng pamahalaan ang simultaneous Fun Bike ng Philippine National Police Bicol.

Kasama ang Commission on Election (COMELEC); Department of Interior and Local Government (DILG); Department of Social Welfare and Development (DSWD); Bureau of Jail Management and Penology (BJMP); Bureau of Fire Protection (BFP); Philippine Army at Coast Guard at iba pang miyembro ng komunidad.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Ang 21-kilometrong fun bike ay nagsimula ng 5:30 ng umaga sa Camp BrigederGeneral Simeon A Ola, Legazpi City.

Ang aktibidad na ito ay layong pisikal na ihanda ang mga kapulisan sa pag ganap sa tungkulin nito upang matiyak ang isang ligtas at mapayapang halalan sa darating na Mayo.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Espesyal na layunin din umano ng aktibidad na ito na ipakita sa bawat pagpedal ng mga kalahok ang kagustuhan nitong maibigay sa mga Bicolano ang seguridad at kapanatagan sa pag punta sa kani-kanilang nakatalagang presinto para bumoto.