Barkong may sakay na 23 Pilipino – inatake ng Houthi

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers na may panibagong barko o bulk cargo carrier na may mga sakay na tripulanteng Pinoy ang inatake ng militanteng grupong Houthi sa Red Sea.

Nangyari ang pag-atake kahapon ng hapon 77 nautical miles sa West Yemeni Port ng Hodeidah kung saan binomba ang MV Sounion ng tatlong beses na nagresulta sa pagkasira ng makina nito.

Read More:  Imee Marcos questions ‘Pax Silica’ project, warns of environmental risks

Ayon kay Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac, ligtas naman ang lahat ng 23 Filipino seafarers na sakay ng barko.

Read More:  Ombudsman files plunder complaint vs. Romualdez, Co

Sa ngayon ay may naval securirty forces na sa area upang irescue ang mga sakay ng barko kabilang na 23 Pinoy at 2 Russian.

Samantala, tiniyak naman ng kalihim ang suporta at tulong pinansyal sa mga Pinoy sa oras na nakauwi at makabalik sila sa Pilipinas.