Kinilala ng Philippine National Police-Civil Security Group ang ipinamalas na katapangan ng isang security guard na nakapatay sa lider ng isang criminal group sa Makati City.
Sa isang seremonya sa Kampo Crame, iginawad sa security guard ni CSG Director PMGen. Edgar Alan Okubo ang medalya ng kadakilaan para sa kanyang dedikasyon sa pagbibigay ng serbisyo.
Matatandaang nitong August 14, limang armadong lalaki na pinaniniwalaang mga miyembro ng Brondial Criminal Group ang nanloob sa pinagtatrabahuan niyang establismento , kung saan napatay niya ang lider nito.
Dahil dito, hinangaan ng CSG ang ipinamalas niyang kahusayan, katapangan at integridad, na hindi inalintana ang kapahamakan upang magampanan ang kanyang tungkulin.
Umaasa rin ang CSG na magsisilbing huwaran ang kanyang kabayanihan sa lahat ng security personnel sa buong bansa.
Nauna nang pinarangalan ng Southern Police District ang guwardiya dahil sa dedikasyon nito, presence of mind, at attentive fulfillment sa kanyang duty noong nangyari ang insidente.