Baril, pampasabog at iba pa narekober ng militar sa pinangyarihan ng engkwentro sa Kalinga

Matataas na kalibre ng baril, mga pampasabog ayt mga kagamitan ng mga rebeldeng NPA ang narekober ng military matapos ang nangyaring sagupaan sa Brgy. Mabaca, Balbalan, Kalinga noong Disyembre 12, 2021.

Ayon sa 5th Infantry Division Philippine Army, narekober ng military ang ang dalawang (2) M16 rifle, isang (1) M653, hand grenade, tatlong (3) explosives devices at mga subersibong dokumento sa pinangyarihan ng engkwentro.

Read More:  Classes called off in parts of Negros Occidental as ST Inday strengthens habagat

Nangyari ang bakbakan sa pagitan ng mga kasapi ng 50th Infantry Battalion at hindi pa matukoy na bilang ng mga miyembro ng armadong grupo matapos tugunan ng kasundaluhan ang natanggap na impormasyon mula sa mga residente sa lugar.

Tumagal ng 5 minuto ang palitan ng putok at nangibabaw ang pwersa ng tropa ng pamahalaan gayunman isang sundalo ang nagtamo ng bahagyang sugat sa katawan.

Read More:  11 arrested after alleged ecstasy drug den busted in Davao City

Samantala, nagbabala naman si MGen. Laurence Mina, Commander ng 5th Infantry Division, sa mga natitira pang kasapi ng rebeldeng grupo na hindi nila palalampasin ang umanoy terrorist act ng mga ito.

Nananawagn din ang Heneral sa mga ito na magbalik-loob na sa pamahalaan upang makasama ang kanilang pamilya ngayong holiday season.