FDA, prayuridad kaligtasan kaysa sa efficacy ng pediatric COVID vax

Mas pinaprayuridad ng mga eksperto ang kaligtasan ng mga bata kaysa sa efficacy ng COVID-19 vaccines, bago ito maaprubahan para sa pag-gamit.

Ayon kay Food and Drug Administration Director General Eric Domingo, na sa kasalukuyan, batay sa datos ng clinical trial, wala namang nakikita na very unusual o tinatawag na signals ng very severe na mga adverse events, kundi karamihan ng nakita rin sa mga trials ay mga mild katulad din ng mga naramdaman sa ibang mga bakuna na ibinibigay sa mga bata.

Read More:  Lawmaker pushes for passage of 5% student discount bill

Sa gitna nito, tiniyak ni Domingo na kung sakaling maaprubhan ang Pfizer vaccine para sa mga batang below 12 years old, patuloy ang gagawin ng gobyerno na monitoring sa mga menor de edad na makakatanggap ng bakuna.

Read More:  Sen. Pia Cayetano elected new chairperson of Senate Blue Ribbon Committee

Batay sa datos, sinabi ng FDA chief na ang Pfizer vaccine ay mayroong 90.7 percent efficacy rate para sa mga batang may edad lima hanggang 11 taon na age bracket. //MHEL PACIA-TRINIDAD