Barbero, pinagsasaksak ng lasing – sugatan

Sugatan ang 22-anyos na barbero na si Reden Navarette Villorente nang pagsasaksakin ng lasing sa Brgy. Tiniguiban, Puerto Princesa City noong hapon ng Linggo, ika-18 ng Agosto.

Ang suspek ay si Danis Raguin Daño na naninirahan din sa kaharap na boarding house ng biktima.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Sa ulat ng PNP, bibili sana ng ulam ang biktima nang undayan ito ng saksak ni Danis habang nakaupo ito sa kanyang motorsiklo.

Bago ang pangyayari, si Denis at ang dalawa pa nitong kasamahan na sina Ryan Raguin Radam, 30-anyos at Rey John Radam Oab, 24-anyos ay nag-iinuman sa kanilang b-house.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Habang ginagawa  umano ni Danis ang krimen si Ryan at Rey ay may hawak din na patalim at sinasabihan ang mga naroon na h’wag makialam.

Samantala, agad na nahuli ng PNP si Rey at Ryan ngunit si Danis ay mabilis na tumakas at patuloy na pinaghahanap.