Tatlong puganteng Tsino na may kaso sa Pilipinas at China, arestado sa Parañaque City

Inaresto ng mga tauhan ng Bureay of Immigratioon ang tatlong puganteng tsino na may kinakaharap na kasong kriminal dito sa Pilipinas at sa China.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, ang mga dayuhan na sina Jun Chen, 28; Hongru Zhang, 26; at Hao Zhen, 27 ay inaresto sa Bgy. Tambo, Parañaque City ng mga operatiba ng fugitive search unit (FSU) ng BI.

Ipinaliwanag ni Tansingco na hindi pa maaaring i-deport ang tatlong Tsino dahil nahaharap pa ang mga ito sa mga kasong kriminal tulad ng robbery, grave coercion, illegal detention, illegal possession of firearms, at illegal drugs trading na isinampa ng pulisya sa piskalya sa Parañaque City.

Read More:  New US Ambassador to PH meets with Ambassador Babes Romualdez

Ang mga kaso ay isinampa matapos mailigtas ng pulisya ang isang Vietnamese national na kinidnap at ilegal na ikinulong ng mga naturang Tsino.

Ayon kay BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy, dalawa sa tatlong Tsino ay may mga warrant of arrest mula sa public security bureau sa Jinjiang, China, habang ang isa ay isang overstaying alien.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Lahat ng dayuhan ay ngayon itinuturing na undocumented aliens dahil kinansela na ng gobyerno ng China ang kanilang mga pasaporte.

Nas akustodiya na ng Parañaque police ang mga nasabing banyaga habang hinihintay ang resolusyon ng kanilang mga kaso.