Pagkakape, paghigop ng sabaw at pagsusuot ng jacket kahit sa tag-init, relaxation sa iba – eksperto

NAGA CITY – Nakadepende sa body temperature at kasiyahan ng isang tao, kung bakit sa gitna ng matirik na araw, may nagkakape, naghihigop ng mainit na sabaw at nagsusuot pa ng jacket.

Ito ang paglilinaw ni Dr. Nonoy Severo, Head ng Municipal Health Office, ng Camaligan, Camarines Sur. Aniya, may ilan na madaling ginawin, at may ilan na gustong mas pagpapawisan, kahit na hindi inirerekomenda ng opisina ang pagsuot ng jacket, paghigop ng mainit na sabaw lalo na ang pagkakape, dahil sa mas nadedehydrate o nauubusan ng fluid sa katawan.

Ayon naman kay Magno Reyes, Mental Health Coordinator sa Naga City, maliban sa iba ang kasiyahan na naibibigay, relaxation para sa iba ang kapag nagagawa nila ito lalo na ang pagkakape na nagiging taste preference na ng mga tao, social bonding, napapakain pa ng marami kung may kasabay ng mainit na sabaw, at proteksyon na rin sa init ang pagsusuot ng jacket na nagiging style na rin ng pananakit ng iba.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *