Barangay Tanod patay nang makakain ng tikong o butete sa Camarines Sur; 6-anyos na bata nasa ospital pa

NAGA CITY- Patay ang 46-anyos na Barangay Tanod sa Pasacao, Camarines Sur matapos kumain ng botete/ tikong o puffer fish habang nasa ospital naman ang asawa nito at 6-anyos na bata.

Isinalaysay sa Brigada News FM Naga ni Punong Barangay Elfa Reyes Daquiz na ikinabigla nila ang pangyayari, nag insist umano ang biktimang si Albert Sentino na lulutuin niya ang buffer fish na dala ng isang residente ayaw aniya itong ibigay dahil delikado pero sinabi ng biktima na marunong siya magluto.

Read More:  3 Cebu traffic enforcers fired over alleged extortion

Nasa dalawang kilo ang botete o tikong na inulam, gabi ng Enero 6. Nasa ospital naman ang asawang si Floreda Perez, 70-anyos at 6-anyos na bata.

Dalawang binatilyo rin ang nakakain pa ng ginataang botete, salaysay ng BNFM ng dalawa pagsusuka at pagkahilo ang kanilang naramdaman pero nakayanan naman nila.

Read More:  4 NPA members surrender after death of top leader in Surigao clash

Nagbigay na ng tulong ang Barangay at ang LGU sa pamilya ng tanod.

Paulit-ulit ang paalala ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR Bicol na huwag kakain ng butete, dahil sa nakakalasong tetrodotoxin.

Ayon kay BFAR Bicol Spokesperson Nonie Enolva, nasa piga at atay ang pinaka delikadong parte ng naturang isda. Mabilis aniya ang epekto nito sa katawan ng tao at kailangan madala sa pagamutan.