PhilSA at DENR, lumagda sa kasunduan kaugnay ang isang proyekto hinggil sa database ng bansa

Nagtutulungan na ang Philippine Space Agency (PhilSA) at ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa pagbubuo ng geospatial database ng bansa.

Ayon sa PhilSA, ang makukuhang spaceborne data mula sa proyektong gagawin ng ahensya ay gagamitin upang i-monitor ang National Greening Program (NGP) o ang nationwide reforestation program.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Sinabi naman ni PhilSA Director General Joel Joseph Marciano, Jr. na wine-welcome ng PhilSA ang collaboration kasama ang DENR, na para sa kaniya ay isang hakbang upang mapagtibay ang domestic space value chain, lalo na ang pag-transform ng satellite imagery at spaceborne data sa insights at actions para sa conservation, protection, management, at restoration ng environment at natural resources.

Read More:  DepEd probes classroom assault involving Bacolod students

Bukod sa DENR, kaisa rin sa proyekto ang National Resource Accounting Program (NRAP).