Barangay secretary, patay sa aksidente dahil umano sa tumawid na baka

Patay ang isang barangay secretary nang maaksidente habang lulan ng motorsiklo sa bayan ng Aborlan, Palawan.

Ito ay si IAN “ADON” TOMESA- PEREZ, 22-anyos ng Barangay Dumagueña sa Narra.

Nangyari ang trahedya sa isang daan sa Barangay Jose Rizal, Aborlan noong Linggo ng hapon, May 19.

Sugatan rin sa aksidente ang kasama nito na si Jun Amar.

Sa inisyal na report, di umano, may biglang tumawid na alagang baka kaya sila naaksidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *