Tradisyon na Santa Cruzan at Flores De Mayo buhay na buhay pa

CAMARINES NORTE – Buhay na buhay pa sa Camarines Norte ang kristiyanong tradisyon ng Santa Cruzan at Flores De Mayo at sa taong ito ay malaking aktibidad ang ginawa dito sa Diocese of Daet.

Tinawag itong Ginintuang Santa cruzan at Flores De Mayo kung saan hindi bababa sa 30 mga kababaihan mula sa iba’t-ibang parokya at sektor ang kinoronahan at binigyang ng iba’t-ibang titulo ng mahal na birheng Maria.

Read More:  CCTV records alleged abduction in Cebu City

Ginawa ang recognition at coronation rite noong Biyernes at noong Sabado naman ay ginanap ang Grand Procession mula sa Holy Trinity Cathedral patungo sa Parroquia De San Juan Bautista dito sa Daet.

Pinangunahan ang misa ni Caceres Archbishop Rex Andrew Alarcon na dinaluhan ng ilang kaparian ng Diocese.

Sa kaniyang homily binigyang diin ng Arsobispo na ang ginanap na coronation ay nakabatay sa kagandahang loob, kabutihan, pananampalataya at debosyon sa mahal na birheng Maria. Kinikilala umano ang bawat isa sa kanila na pinili upang maging tagapagdala ng pangalan ni Maria.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Paalala umano ito na magkakaiba man katulad ng iba’t ibang titulo ang bawat isa umano ay naglalarawan sa mahal na ina at mahalga, may dignidad at dangal bilang mga anak ng Diyos.