Barangay San Francisco, Naga City, muling kinall-out ang mga landlord na iparehistro ang kanilang mga tenant

NAGA CITY – Nananawagan muli ang Barangay Council ng San Francisco, Naga City, sa mga landlord ng mga boarding houses, na iparehistro at ipalista ang mga tenant o nangungupahan sa barangay.

Ito bilang patuloy na pagpapatupad ng Barangay Ordinance taong 2021 pa aprobado, na nagsasabing dapat may record o nakalista sa barangay ang mga boarders, maikli man ang panahon ng panunuluyan. Ayon kay Kapitan Efren Nepomuceno, maliban sa pinakalayuning malaman, mamonitor ang mga ito, lalo na kung may mga naghahanap, ang matiyak na rin ang seguridad ng bawat residente. May mga pagkakataon rin kasi aniya, na halos dalawa o tatlong taon nang naninirahan sa barangay ay hindi pa pala rehistrado, minsan naman ang iba, iba ang pakay.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Sa ngayon, muling magpapadala ng mga form sa mga landlord, upang ilista ang pangalan, edad, kung taga-saan, dahil posibleng madagdagan ang nasa 300 ngayong boarders na mga empleyado at mga estudyanteng mula ibang lugar, lalo na ngayong nalalapit na rin ang Peñafrancia Festival.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Sa mga nagmamay-ari namang hindi nakakasunod sa ordinansa, pagdating ng muling pagkuha nila ng clearance sa barangay para sa permit, higit na kinakausap, lalo na may penalidad o consequences ding nakaabang.