Publiko – pinag-iingat na sa pagbili ng isda

Muling nagpayo ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa mga bibili ng isda na maging mas maingat at maging mapagmasid sa kanilang pamimili.

Sa isang panayam, sinabi ni BFAR-Central Luzon director Wilfredo Cruz na kailangang amuyin ang hasang ng bibilhing isda para malaman kung ito ba’y kontaminado na ng langis na tumagas mula sa mga lumubog na barko.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Aminado naman si Cruz na apektado talaga ang sektor ng pangingisda, dahil kahit ang ilang mga area na ‘di naman apektado ng oil spill ay posibleng tumaas na rin ang hesitation sa pagbili ng isda.

Sabi ng opisyal, base sa huling water quality analysis – may ilang area na critical na.

Ibig-sabihin, lampas na ito sa oil at grease content.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Na-monitor ito sa bahagi ng Mariveles at sa Limay, Bataan.

Sa kabila nito – hindi pa raw nila nakikitang dapat nang ideklara ang fishing ban sa buong Central Luzon.

Una nang nag-issue ng fishing ban sa Limay sa Bataan, at mayroon na ring no-catch and no-sell policy sa Cavite para sa mga shellfish doon.