Pampanga target makagawa ng higit 2,000 oil spill booms

Target ng lalawigan ng Pampanga na makagawa ng 2,337 na oil spill booms na gawa mula sa coconut husk, plastic bottles, lubid, nets, at bamboo para magamit bilang paghahanda laban sa posibleng oil spill.

Kaugnay nito ay pinulong ni Governor Dennis Pineda ang ilang miyembro ng Incident Management Team para tutukan ang produksyon ng mga oil spill booms sa lalawigan na ginagawa sa Material Recovery Facility (MRF) sa Lubao.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Ayon sa Provincial Government, prayoridad na lagyan ng oil booms ang mga coastal areas ng Brgy. Mabuanbuan at Bangcal Pugad (Sasmuan), Pagtalo River (Bgry Baruya & Gumi, Lubao), at Bangkung Malapad (Sasmuan) na tinatayang nasa 30-km ang layo mula sa lumubog na MT Terra Nova sa Limay, Bataan.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Pinag-usapan ng grupo kung papaano mas mapapabilis ang produksyon at pag-install ng mga ito sa mga katubigan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: Pampanga PIO