BICOL—Nagtala ng 78 na panibagong kaso ng mga variants of concern sa COVID-19 ang Bicol region kung kaya umabot na sa 416 ang total VOC cases sa rehiyon.
261 nito ay Delta variant na siya nang dominanteng kaso ng VOC sa Bicol, 109 ang Beta at 46 ang Alpha.
Base sa pinahuling Bio Surveillance report ng Department of Health (DOH), 75 sa mga bagong kasong naitala ay Delta variant, dalawa ang Beta at isa ang Alpha.
21 sa mga bagong kaso ng Delta variant ay naitala sa Naga City, 19 sa Camarines Sur, sampo sa Legazpi City, tigwalo ang Sorsogon at Albay, lima sa Masbate at apat sa Catanduanes.
Ang dalawang bagong Beta cases ay nagmula sa Naga City at Sorsogon habang ang isang Alpha case naman ay naitala sa Camarines Sur.
Sa anim na lalawigan, ang Camarines Sur ang siyang may pinakamaraming VOC cases na may kabuuang 104 kung saan 65 ang Delta, 20 ang Alpha at 19 ang Beta.
Sumunod ang Albay na may 34 Delta, 28 beta at tatlong Alpha o kabuuang 65 VOC cases; ang Masbate na may 33 Delta, 13 Beta at limang Alpha cases o nasa kabuuang 51.
Sumunod ang Naga City na may 38 Delta, walong Beta at isang Alpha o 47 VOC cases; Sorsogon na may 30 Delta, 11 Beta at limang Alpha kung kaya umabot na sa 46 ang kanilang total VOC cases.
42 naman sa Camarines Norte kung saan 35 ang Delta at pito ang Beta; 34 sa Legazpi City kung saan 19 ang Delta, 11 ang Beta at apat ang Alpha habang 27 ang VOC cases sa Catadnuanes kung saan walo ang Delta, 12 ang Beta at pito ang Alpha cases.### | slm