Posibleng lumiban si Pangulong Rodrigo Duterte sa planong pagpupulong sa pagitan ni US President Joe Biden at ng mga lider ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa Washington kung babagsak ang petsa ng summit sa kaniyang ika-77 kaarawan sa March 28.
Ayon kay Philippine Ambassador Jose Manuel Romualdez, tradisyon ng Pangulo na manatili sa loob ng bahay nito sa tuwing nagdadaos ito ng kaarawan.
Gayunman, inihayag ni Cambodia Foreign Minister Prak Sokhonn na ipagpapaliban ang summit na itinakda sa March 28 at 29 sa ibang petsa dahil sa pagtanggi ng ilang ASEAN leaders na dumalo sa proposed dates.
Mababatid na inimbitahan ni Biden ang ASEAN leaders sa proposed summit sa Washington maliban kay Min Aung Hlaing ng Myanmar.
