Sundalong naputulan ng daliri sa kamakailang insidente sa Ayungin shoal, naniniwalang ‘intentional’ ang ginawang pagbangga ng China

Mariing siniyasat ni Senate Committee on Foreign Relation, Chairperson, Senadora Imee Marcos sa Senado ang naging insidente sa Ayungin Shoal noong nakaraang June 17.

Ito ay matapos ang naging agresibong aksyon ng China na nagdulot ng pagkasugat ng pitong sundalong Pilipino at maging pagkaputol ng daliri ng isa sa mga ito.

Maliban pa roon, sinasabi rin na nagkaroon ng di umano’y suntukan roon hanggang maagaw ng China ang walong high-powered firearms ng mga sundalo habang binutas din ng mga ito ang rigid hull inflatable boat (RHIB).

Read More:  DOH reports no Ebola cases in the Philippines

Alinsunod nito, pinakuwento ng senadora kay Seaman First Class Jefferey Facundo ang totoong nangyari rito at base sa kwento nito wala umanong naging warning ang China bago ang kanilang agresibong aksyon.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Maliban pa roon, ipinunto rin niyang sa mismong patulis ng RHIB ng China naputol ang kanyang daliri dahil sa pagsampa nito sa RHIB ng Pilipinas.

Samantala, nang tanungin siya ng senadora sa opinyon niya rito, sinabi niyang tiwala siyang hindi aksidente ang nangyari kundi intentional.

Sinaluduhan naman din ni Senadora Risa Hontiveros ang mga nasabing sundalo sa ipinakitang tapang ng mga ito.