CAMARINES NORTE – Inatasan ng Sangguniang Bayan ng Basud, Camarines Norte ang Municipal Engineering Office na i- secure ang mga poste ng ilaw na pag- aari ng LGU sa Mangcamagong Road na apektado ng road widening.
Sayang naman daw kasi ang mga posteng inilagay ng LGU partikular sa Mocong to Taisan kung matatabunan lang.
Ang mga poste raw kasi sa ginagawang widening ay nasakop na ng kalsada at may mga riprap na sa tabi kung nasaan ang mga poste.
Sa pagharap ni Municipal Engineer Hector Ubana, sa regular na sesyon ng Sangguniang Bayan noong Lunes sinabi nito na mayroon na silang arrangement sa contractor na ilipat ang mga poste sa tamang posisyon dahil wala silang budget para sa paglilipat nito.
Mababatid na puspusan ngayon ang ginagawang road widening sa nabanggit na bahagi ng kalsada.
