Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, ipatatawag na rin sa Kamara

Gigisahin na rin ng Kamara si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo patungkol sa isyu ng umano’y kwestyonable nitong pagkakakilanlan.

Ayon kay House Deputy Majority Leader for Communications Erwin Tulfo, kasama si Guo sa iimbitahan ng Kongreso sa ikakasang imbestigasyon sa pagkakaloob ng special visas at delayed registration of birth na naging dahilan umano kung bakit lumobo ang bilang ng Chinese nationals sa bansa.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Mahalaga aniyang mabusisi ang pinagmulan ng alkalde bunsod na rin ng isyu sa birth certificate nito at iba pang dokumento.

Bukod pa ito sa mga isyung napag-alaman ng kongresista kung saan naaabuso umano ang issuance ng Special Resident Retiree’s Visa at Special Investor’s Resident Visa gayundin ang “modus” ng pagsasampa ng kaso upang hindi basta-basta maipapa-deport ang dayuhan.

Read More:  Tulfo says leadership change needed to restore Senate dignity

Padadaluhin din sa pagdinig sa Kamara ang mga ahensya kabilang ang Philippine Retirement Association, Board of Investments at Philippine Statistics Authority.

Sa resolusyong inihain ng grupo nina Tulfo ay binibigyang-diin na may long-term consequences ang delayed registration ng kapanganakan tulad ng partisipasyon ng non-nationals sa social, economic at political activities upang makatakbo sa halalan at humawak ng elective position sa gobyerno na dapat ay nakareserba lamang para sa Filipino citizens.