Magsasanib-pwersa ang Bureau of Immigration (BI) at Department of Labor and Employment (DOLE) para magkaroon ng profiling ng mga dayuhang nagtatrabaho sa POGO at internet gaming platforms.
Ayon kay Labor Sec. Bienvenido Laguesma, maliban sa mga Chinese, nagtatrabaho rin sa naturang mga hubs ang ilang mga Vietnamese, Malaysian, Indonesian, Thai, Taiwanese, at South Korean.
Matatandaang sinabi na ng naturang mga ahensya na mahalaga ang profiling upang malaman ang pagkakakilanlan ng mga dayuhan at IGL.
Maliban dito, makukumpirma rin daw kung lehitimo ang pananatili ng mga foreigners sa bansa, at malalaman din kung mayroon o wala ang mga itong kasong kinasasangkutan.
Samantala, ani Laguesma, karamihan pa rin sa mga nagtatrabaho sa POGO ay mga Pilipino.