PNP, kinundena ang pagtutok umano ng laser device ng ilang miyembro ng KOJC sa kanilang mga helicopters

Mariing kinondena ng Philippine National Police ang pagtutok umano ng laser device ng ilang miyembro ng Kingdom of Jesus Chirst sa kanilang mga helicopters.

Ang mga helicopters ng PNP ay ginamit upang tumulong sa paghahanap kay Apollo Quiboloy.

Read More:  Gatchalian pushes ban on officials’ relatives in government contracts

Ayon kay Police Regional Office XI spokesperson Major Catherine dela Rey, ito ay direktang banta sa kaligtasan ng kanilang mga tauhan.

Malinaw din aniya itong paglabag sa aviation safety regulations and legal standards.

Read More:  Authorities seize ₱99.4 million worth of ketamine in two shipments from Switzerland and Amsterdam

Sa huli, hinimok ni dela Rey ang mga miyembro ng KOJC na itigil ang ganitong gawain para sa kaligtasan ng lahat ng dalawang panig at binigyan-diin na ang PNP ay ginagamapanan lamang ang kanilang tungkulin.