Bakuna Eskwela – lumarga na

Ligtas at epektibong libreng bakuna – ito ang tiniyak ni Health Secretary Ted Herbosa sa mga magulang kasabay nang panghihikayat nito na mabakunahan ang kanilang mga anak kontra Measles, Rubella, tetanus, diphtheria, at Human Papillomavirus o HPV.

Ayon kay Herbosa, simula noong pandemic, maraming mga estudyante ang hindi nabakunahan.

Read More:  ICC seeks additional protection for 55 witnesses in Duterte trial

Aniya, hindi dapat hayaan na ang mga naturang sakit ay maging banta sa buhay ng mga bata.

Sa mensahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., 34% lamang na mga bata sa bansa ang bakunado, 66% ay Zero Dose o hindi pa nakatanggap ng bakuna simula pa noong ipinanganak.

Read More:  SC upholds five-year term for barangay and SK officials

Dagdag ni Herbosa, wala dapat pangambahan ang mga magulang na mabakunahan ang kanilang mga anak dahil mas mahal aniya ang magpa-ospital kumpara sa pagbabakuna.

Samantala, bukod sa Maynila, kasabay na inulunsad ang Bakuna-Eskwela ng Deped at DOH sa Cotobato, Tacloban at Davao City.