PNP, tiniyak ang hustisya sa race car driver na si Enzo Pastor

Makikipag-ugnayan ang Philippine National Police (PNP) sa iba pang law enforcement agencies upang madakip si Dalia, asawa ng pinatay na race car driver na si Enzo Pastor at itinuturong mastermind sa krimen.

Ito ang sinabi ni PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo kasunod ng muling pagbuhay ng Korte Suprema sa kasong parricide laban kay Dalia.

Read More:  Four Philippine Air Force pilots killed as two SF-260 aircraft crash

Isasailalim din sa masusing review ang kaso at mga ebidensiya na may kaugnayan sa pagpatay kay Pastor na naganap noong 2014 matapos siyang tambangan sa loob ng kanyang sasakyan sa Quezon City.

Read More:  Marcos tells Filipinos “don’t panic” as peso hits record-low ₱64.17 against dollar

Isang pulis, si dating PO2 Edgar Angel ang nasangkot sa krimen .

Sinabi ni Col. Fajardo ,na-dismiss na ito sa serbisyo noon pang 2015.