Bagyong CarinaPH, mas lumakas pa

Bahagyang lumakas pa ang Bagyong Carina.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ito sa layong 355 km East Tuguegarao City.

Taglay nito ang hanging aabot sa 110 km/h at bugsong aabot ng 135 km/h.

Mabagal itong kumikilos pa-hilagang kanluran sa bilis na 15 km/h.

Habang binabaybay ng bagyo silangang baybayin ng extreme northern Luzon, posible pa itong mag-intensify sa isang typhoon category.

Read More:  NBI says Senate shooting suspect was only volunteer

Nakataas na ang Storm Signal No. 1 sa Batanes, eastern portion ng mainland Cagayan, northeastern portion ng Isabela, at eastern portion ng Babuyan Islands.

Palalakasin din Bagyong Carina ang Southwest Monsoon o Habagat, na magdadala ng katamtaman hanggang sa matinding pag-ulan sa bahagi ng kanlurang bahagi ng Luzon hanggang Miyerkules.

Read More:  UP Broadcasting Association raises concern over Legarda’s role in Senate leadership shift

Ayon sa PAGASA, makakaramdaman ng Monsoon Rains ang lugar ng La Union, Pangasinan, Benguet, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, and Occidental Mindoro.

Mararamdaman din ito sa bahagi ng Metro Manila, Rizal, Laguna, Pampanga, Tarlac, Nueva Ecija, Bulacan, Abra, the rest of Ilocos Region, at Calamian Islands.

Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog naman ang mararanasan sa Cagayan Valley, Bicol Region, Aurora, Quezon, at nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region.