Kilos protesta ng mga progresibong grupo naisagawa sa Naga bago ang SONA

NAGA CITY- Nagkaisa ang mga progresibong grupo sa sa Naga City Plaza Oragon monument ngayong araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Nagsagawa ng kilos protesta ang mga grupo ng mga kabataan kasama ng BAYAN-Bicol, Ayon kay Spokesperson Nelsie Rodriguez nararapat na ibaba ang mga presyo ng mga bilihin at matulungan ang bawat magsasakang Pilipino.

Read More:  79IB turns anniversary celebration into day of service, environmental action in Calatrava

Matagal ng hinihintay ng mga mamamayang Pilipino na magkaroon ng katuparan ang mga panawagan at kahilingan ng bayan at mga manggagawa.

Read More:  Collector killed by man she went to collect ₱3,000 debt from in Leyte

Dagdag nito hindi lubusang nabibigyan pansin ni PBBM ang ginagawang pang-aapi ng China patungkol sa West Philippines Sea. Lalo umanong lumalala ang kalagayan ng bansa patungkol sa usaping karapatang pangtao na mas hinigitan umano ang dating Pangulong Rodrigo Duterte.