Bagyong ButchoyPH – nakalabas na ng bansa; Bagyong CarinaPH naman, posible pang lumakas

Tuluyan nang nakalabas ng bansa ang Tropical Depression #ButchoyPH.

Ayon sa PAGASA, wala na ito sa loob ng ating Philippine Area of Responsibility.

Samantala, huling namataan naman ang Bagyong #CarinaPH sa layong 510 kilometro, silangan hilagang silangan ng Virac, Catanduanes.

Read More:  CIDG summons Sen. Bato over alleged EJK cases

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot ng 55 kilometro kada oras; at bugsong papalo ng hanggang 70 kilometro kada oras.

Kumikilos ito sa direksyong pa-kanluran hilagang kanluran sa bilis na 30 kilometro kada oras.

Ang dalawang bagyo ay kapwa walang direktang epekto sa bansa.

Read More:  CBCP urges Senate to immediately proceed with VP Sara impeachment trial

Sa kabila nito, pinalalakas pa rin nito ang umiiral na Southwest Monsoon, ‘o ‘yung Hanging Habagat na magpapa-ulan sa malaking bahagi ng bansa.

Hindi rin isinasantabi ng PAGASA ang posibilidad na bahagya pa itong lumakas, at maging isang Tropical Storm sa mga susunod na araw.